Mga magsasaka sa Benguet nagpaabot ng tulong sa mga Taal victims

0
15

Nakibahagi ang mga magsasaka ng Benguet province sa pagtulong sa mga apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Sa tulong ng La Trinidad Municipal Police Station, ipinadala ng mga magsasaka ang kanilang tulong na sako-sakong gulay para sa mga evacuee sa Batangas.

Kabilang sa mga gulay na ipinamahagi ng mga magsasaka ng Benguet ay carrots, repolyo, patatas, at iba pa.

Tiniyak naman ng La Trinidad Municipal Station na makararating ang naturang tulong sa mga Batangeuño na inilikas dahil sa nag aalburotong bulkang Taal.