Mga maglilinis ng puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay sa pampublikong libingan sa lungsod ng Baguio binigyan na lamang hanggang Oktubre a 30

0
13
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Nagpaalaala ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Baguio sa mga mamamayan nito na ang paglilinis ng puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay ay hanggang Oktubre a 30 lamang ngayong taon. Ito ang pinaalaala ni Mayor Benjamin Magalong, ang Chairman ng oplan Undas.

Tulad ng napagkasunduan ng committee na binuo para sa nalalapit na undas, ang buong buwan ng Oktubre ang itinakdang paglilinis ng mga puntod ng mga yumao sa City Cemetary at maging sa apat na Pampublikong sementeryo sa Loakan Proper, Kias, Fort Del Pilar, Bakakeng Norte/Sur, Irisan at mga pribadong kolumbaryo sa lungsod.

Sinabi din ni Magalong na simula noong Miercules o Oktubre a 16, 2024, ang publiko ay inaatasan na huwag magpaparada ng kanilang sasakyan sa pampubliko sementery upang maiwasan ang pagsisikip doon.

Kamakailan lamang, ang lungsod ng Baguio ay bumuo ng isang committee na mamamahala sa paggunita ng Undas 2024. Ang mamumuno mismo ay ang Alkalde ng Lungsod ng Baguio na walang iba kundi si Mayor Benjamin Magalong. Ang pagbuo ng Kommittee ay upang tiyakin ang pagunita ng Araw ng Kaluluwa at Araw ng mga Santo ay maayos at mapayapa. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO-Baguio)

Leave a Reply