Mga labing natagpuan sa isang truck naibalik na sa Vietnam

Mga labing natagpuan sa isang truck naibalik na sa Vietnam

by Powered by DWIZ
16 views

Naibalik na sa Vietnam ang lahat ng 39 na bangkay na natagpuan sa loob ng isang container truck malapit sa London.

Ngayong araw, dumating sa Noi Bai Airport sa Hanoi ang 23 mga bangkay ng mga biktima kung saan 7 sa mga ito ang nai-cremate na sa Great Britain bago inilipad ng Vietnam.

Una rito, naibalik na noong Miyerkules ang 16 na bangkay ng mga biktima sa kanilang sinilangang bayan sa Northern Central Vietnam.

Magugunitang, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa isang refrigerated na container truck matapos itong maharang sa Grays Essex, England noong Oktubre.

Sampung indibiduwal na hinihinalang may kinalaman sa iligal na pagpapadala sa England at pagkamatay ng mga biktima ang naaresto na ng Vietnam police.

0 comment

Related Posts