Mga kulungan sa bansa nananatiling ligtas sa COVID-19

0
25

Nananatiling ligtas sa coronavirus disease (COVID-19) ang lahat ng mga kulungan sa bansa.

Ito ang naging pagtitiyak ni Interior Sec. Eduardo Año sa harap ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Año, sa katunayan maituturing ngayong ‘safest place’ ang mga detention cells dahil bukod sa walang persons under investigation (PUI) sa mga kulungan ay mahigpit din nilang ipinatutupad ang mandatory quarantine sa mga bagong pasok sa kulungan.

Sinabi pa ng kalihim, ipinagbabawal din muna nila ngayon ang mga bisita, at ikinasa na rin ng Bureau of Corrections (BuCor) ang sanitation and disinfection upang matiyak na hindi makapapasok ang COVID-19 sa mga kulungan.