29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mga klase sa mga paaralan sa bansa suspendido pa rin hangga’t walang bakuna sa COVID-19 — Duterte

- Advertisement -

Mananatiling suspendido ang klase sa bansa hangga’t wala pang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, matapos na ianunsyo ng Department of Education (DepEd) na muli nang magbubukas ang klase sa Agosto.

Ayon sa Pangulo, hindi nito isasaalang-alang ang kaligtasan ng mga estudyante habang walang bakuna para sa COVID-19.

Samantala, umaasa naman ang Pangulo na magkakaroon na ng bakuna bago pa man matapos ang taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -