Mga kaso ng COVID-19 sa Caviter nadagdagan pa

0
27

Nadagdagan pa ang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla apat ang nadagdag sa kanilang listahan ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Kabilang dito ang isang 62 taong gulang na lalaki mula sa Naic, 71 taong gulang na lalaki mula sa Naic, 30 anyos na babae mula sa Tanza at 67 taong gulang na babae mula sa Indang.

Sinabi ni Remulla na mayroong isa pang napaulat na pasyente mula sa Cavite City subalit hindi pa ito kinukumpirma ng provincial health officer sa lugar.

Muli namang hinimok ni Remulla ang mga residente sa Cavite na sumunod sa mga ipinatutupad na patakaran para mabilis na malampasan ang krisis.