Mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo patuloy ang pagtaas

0
19

Patuloy pa ring tumataas ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), sumampa sa higit 4-M ang kaso ng COVID-19 sa daigdig.

Kasabay nito, muli namang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansang Germany matapos na luwagan ang social restriction protocols.

Habang muli namang nakapagtala ng 14 na kaso ng COVID-19 sa Wuhan City, China matapos ang ilang linggong na walang naitatalang kaso ng virus sa lugar.

Samantala, pinangangambahan naman ng mga eksperto na magkaroon ng ikalawang bugso o second wave nang pagkalat ng virus sa South Korea.

Sa ngayon, sumampa na sa higit 200,000 ang bilang ng mga nasawi sa virus, habang nasa higit 1-M naman ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa buong mundo.