35.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Mga kadete, tauhan ng PNPA tuluyan nang gumaling sa COVID-19

- Advertisement -

Nakalaya na mula sa COVID-19 ang mahigit sa 230 kadete at 13 tauhan ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Ito’y ayon kay PNPA Director P/Mgen. Gilberto Cruz ay matapos sumailalim ang mga nabanggit sa 21 araw na quarantine.

Gayunman, sinabi ni Cruz na 43 naman sa mga nakasalamuha ng mga nakarekober ay naging positibo rin sa virus matapos silang sumalang sa RT-PCR o swab test nitong sept. 28.

Maliban dito, 4 mula sa 38 bagong talagang empleyado ng PNP ang nagpositibo rin sa virus bago pa man sila magsimula sa kanilang assignment sa akademiya.

Kasunod nito, tiniyak ni Cruz na prayoridad nila ang paglaya sa COVID-19 ng lahat ng kanilang mga tauhan at kadete para na rin mapayapa ang kalooban ng mga magulang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -