Mga kaanak na itinatago ang mga presong napalaya sa GCTA, kakasuhan — Eleazar

0
17

Kakasuhan ang mga kaanak at kaibigan ng mga presong pinalaya dahil sa GCTA law subalit hindi sumuko hanggang bago mag 12 ng hatinggabi.

Tiniyak ni NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar na mahaharap sa kasong harboring a fugitive ang mga kaanak ng mga presong mahuhuli nilang nagtatago sa kanilang mga kaanak.

Dawit din aniya sa kaso ang mga kasama ng mga convicts kapag nahuli nila ang mga ito.

Ipinabatid ni Eleazar na nagsimula nang kumilos ang kanilang tracker teams para magtungo sa mga known address ng mga wanted na preso na nasa Metro Manila.