Friday, May 3, 2024

Mga jeep maaari nang makabyahe sa ilalim ng GCQ — DOTr

- Advertisement -

Maari nang makabiyahe ang mga lumang modelo ng dyip sa mga lugar na nakasailalim na lamang sa general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Transportation Usec. Artemio Tuazon Jr., maari namang maka biyahe o magbalik operasyon ang mga jeepney drivers kahit na luma ang modelo ng kanilang mga dyip.

Taliwas ito sa naging pahayag ng Stop and Go Coalition na hindi papayagang makabiyahe ang mga lumang jeepney, at tanging ang mga modernized jeeps at mga pampasaherong bus lamang ang magbabalik operasyon sa ilalim ng GCQ.

Ayon sa DOTr, prayoridad nila ang balik operasyon ng mga modernized jeepneys dahil sa tap card system nito na makatutulong upang hindi magkaron ng closed-contact ang mga pasahero.

Gayunman, sinabi naman ng DOTr na hindi nila papayagang makabiyahe iyong mausok at hindi maayos na jeepney para na rin sa kalagayan at kaligtsan ng publiko.

Matatandaang, pinalawig pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 habang inilagay na lamang sa GCQ ang ibang bahagi ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img