Mga jeep bawal pa rin sa GCQ —DILG

0
90

Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi parin papayagang bumiyahe ang mga jeep sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ito ay kasunod ng ginawang anunsyo ng Malakanyang na papayagan nang magkaroon ng partial operation ang mga pampublikong transportasyon sa GCQ areas.

Samantala, hinihimok naman ni DILG secretary Eduardo Año ang mga tsuper na antayin ang ipapalabas ng Department of Transportasyon (DOTr) na guidelines para sa partial operation ng iba pang public utility vehicles (PUVs).