Mga inihaing petisyon kontra anti-terror law nadagdagan

0
7

Nadagdagan pa ang mga petisyon sa Korte Suprema na humihiling na ibasura ang anti-terrorism law.

Sa ika-12 petisyon kontra sa anti-terrorism law nagkapit bisig ang ilang opposition lawmakers , human rights advocates, mga mamamahayag at ilan sa mga naglimbag sa 1987 constitution.

Hiniling nila sa Korte Suprema ang pagpapawalang bisa sa anti-terorrism law, pagpapalabas ng temporary restraining order laban sa implementasyon ng batas at pagtatakda ng oral arguments para sa mga naihaing petisyon.

Kabilang sa mga luamgda sa petisyon sina Senador Francis Pangilinan, Senador Leila De Lima, Cong Kit Belmonte, mga dating Senador Sergio Osmenia at Wigberto Tañada Sr, Dating Cong Erin Tañada, dating Human Rights Commissioner Etta Rosales, Human Rights Lawyer Chel Diokno, Rappler CEO Maria Ressa at iilang Rappler editors.

Kasama rin sa petitioners sina Florangel Rosario-Braid at Edmundo Garcia na kapwa miyembro ng 1987 constitutional commission.

Dalawa pang miyembro ng komisyon na sina dating Comelec Chairman Christian Monsod at Felicitas Arroyo ay kasama naman sa petisyong naihain noong July 8.

Samantala, ang ika-13 petisyon ay inihain naman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at ng Concerned Artists of the Philippines.

44 na petitioners naman mula sa Bagong Alyansang Makabayan ang naghain rin ng hiwalay na petisyon.