Mga gumaling sa COVID-19 hindi pa matiyak kung mayroong antibodies — WHO

0
17

Hindi pa matiyak ng World Health Organization (WHO) kung nagtataglay na ng antibodies ang mga gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na magbibigay sa mga ito ng proteksyon laban sa reinfection o muling pagkahawa sa virus.

Ayon kay WHO Health Emergencies Programme Executive Director Mike Ryan, batay sa mga nakukuha nilang mga impormasyon sa kasalukuyan, maliit na porsyento lamang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 ang nakapag-produce ng kanilang antibodies

Dahil dito, sinabi ni Ryan na hindi pa rin makatutulong sa iba’t-ibang bansa ang inaasahang immunity o pagkaka-develope ng antibodies ng mga dating tinamaan ng COVID-19 para maresolba ang problema rito.