31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Mga gulay mula sa probinsya maibebenta na sa Metro Manila

- Advertisement -

Nagpalarga na ng mga truck ang Department of Agriculture (DA) para kunin ang mga gulay sa mga lalawigan at maibenta sa Metro Manila.

Kasunod na rin ito ng mga report na ilang magsasaka ang itinatapon na ang tone-toneladang gulay nila na hindi na maibebenta dahil sa Luzon lockdown.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, pinakilos na niya ang kanilang regional offices para magpadala ng truck sa mga lalawigan at kunin ang mga gulay para ibenta sa mga kadiwa o kaya naman ay ili-link nila sa local government units (LGUs) at tsaka babayaran ang mga magsasaka kapag naibenta na lahat ng mga nasabing gulay.

Sinabi ni Dar na hihilingin niya sa Inter-Agency Task Force kung uubrang ma -eskortan ang mga truck na may dalang gulay at iba pang agricultural product pa Metro Manila upang matiyak na hindi mahaharang ang mga ito sa checkpoints.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -