Monday, May 6, 2024

Mga flights papunta sa Pinas pwede na lumapag sa NAIA —CAAP

- Advertisement -

Papayagan nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga paparating sa Pilipinas na mga international charter at commercial flights sa ilang mga piling araw simula sa Lunes, Mayo 11.

Sa ipinalabas na notice to airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) , papayagan lamang makalapag ng naia ang mga inbound international chartered flights tuwing Lunes at Huwebes.

Kinakailangan ding kumuha ng paparating na eroplano ng  clearance mula sa Department  of Foreign Affairs (DFA) at CAAP para makakuha ng slots.

Habang ang mga inbound international commercial flights naman ay maaaring lumapag ng naia tuwing Martes, Miyerkules, Biyernes, Sabado at Linggo.

Gayunman kinakailangan namang kumuha ng clearance ng mga ito mula sa CAAP, 48 oras bago ang nakatakdang pagalis ng eroplano sa pinanggalingan nitong lugar.

Samantala sinabi ng CAAP na hindi sakop ng NOTAM ang mga flights na nakararanas ng emergency, ferry o cargo flights, air ambulance at medical supplies flights, government o military flights, weather mitigation flights, maintenance flights at outbound ferry o cargo flights na may pasahero.

Epektibo anila ang limitasyon sa mga flights sa loob ng isang buwan mula Mayo 11 hanggang Hunyo 10.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img