Mga Fire Officers ng Baguio City pinapurihan sa kanilang katapangan at katapatan

0
10
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Pinapurihan ng lokal na opisyal ng Lungsod ng Baguio ang limang fire officers na sila Senior Fire Officer (SFO) 1 Aldrin K. Bay-ed, FO3 Rafael Antonio D. Gardose, FO2 Jeroll E. Benedicto, FO1 Joffrey B. Acop and FO1 Gemory K. Dao-ines ng Baguio City Fire Station sa pagpapakita ng kahangahangang katapangan at katapatan.

Kung inyong matatandaan na noong April 13, ng taong ito, habang nagsasagawa ang pangkat ng Baguio City Fire Station sa pagpuksa ng apoy sa MRR Queen of Peace barangay, limang bomber ang nagpakita ng kahangahangang dedikasyon sa kanilang trabaho kahit na sa kondisyon na mapaghamon.

Si Bay-ed at Acop ang nakatagpo ng plastic container ng alagang pagong, salaping papel at ng mga barya at isang cellular phone; habang si Gardose ay nakakita ng isang pitaka na naglalaman ng perang papel na nagkakahalaga ng PhP10,000; Sinagip ni Benedicto ang isang nakataling aso na nagtamo ng sunog o burns sa mga balahibo nito at si Dao-ines ay nakakakita ng mga barya.

Ayon sa lokal na konseho ang mga natagpuang mga bagay ay dapat na ibalik sa may ari matapos na maapula ang sunog ng mga tauhan ng Baguio City Fire Station. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply