30.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Mga Filipino hinimok na maging mapagkumbaba ngayong pasko

- Advertisement -

Hinimok ng Malakanyang ang mga Filipino na maging mabait at mahabagin ngayong pasko.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sumasalamin ang mensahe ng Malakanyang sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pairalin ang pagka-mahabagin, kabaitan at pagkakasundo.

Matagal na aniyang watak-watak ang mga Pilipino dahil sa nakalalason at nakamamatay na pulitika na nakapag-papalala sa deka-dekadang hindi pagkaka-unawaan at katiwalian.

Idinagdag pa ni Panelo na habang papalapit na ang bagong taon ay panahon na upang isantabi ang mga nakagawiang sumisira sa dignidad ng bansa sa halip ay magkaisa patungo sa kapayapaan at kaunlaran.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -