Mga expressways papasok at palabas ng Metro Manila handa na para sa undas

0
53

Kasado na ang mga paghahanda ng mga pangunahing expressway sa Luzon para sa dagsa ng mga biyahero para sa paggunita ng Undas o All Saints’ Day.

Sa NLEX o North Luzon Expressway, bukas na ang may 28 toll collection points nito sa Balintawak Toll Plaza.

Habang nasa 10 hanggang 20 naman ang bukas sa Mindanao Avenue, Tarlac at Tipo Toll Plaza.

Ang SMC tollways naman ay magdaragdag ng ambulant tellers, traffic at security personnel sa southbound ng Skyway, NAIAX, SLEX at Star Tollway.

Dahil dito, kapwa pinayuhan ng dalawang tollways corporation ang mga motorista na maghanda ng eksaktong toll para maiwasan ang pagka-antala sa biyahe at paghaba ng pila sa mga toll booth.

Kasabay nito, suspendido ang lahat ng mga road repairs at road works sa mga nabanggit na expressway upang magbigay ginhawa sa mga biyahero.