35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga evacuees sa Batangas ililipat sa mga temporary shelters

- Advertisement -

Sinimulan na ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang paglilipat sa mga evacuees ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal na pansamantalang nanunuluyan sa mga eskuwelahan.

Ayon kay Batangas PDRRMO Chief Lito Castro, layunin nitong mabakante na ang mga eskwelahang ginagamit bilang mga evacuation centers at makapagbukas na rin muli ng klase.

Aniya, target nilang matapos ang paglilipat ng mga bakwit sa mga itinayong temporary shelters sa bayan ng Ibaan at sa ipinahiram na pabahay ng National Housing Authority (NHA) hanggang linggo.

Dagdag ni Castro, bumili na rin sila ng mga tent na maaaring magamit ng mga bakwit sakaling hindi agad mailipat ang mga ito.

Meron silang isang project doon na housing units at  binigyan kami ng atleast two months para pansamantalang, malaking bagay na yun sapagkat yung two months na yun ay mabibigyan kami ng pagkakataon para makapag-construct kami naman ng mga maaring permanent na settlement na ating mga kababayan,” ani Castro.

Samantala, sisimulan na rin ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang pagtatayo ng mga permanenteng pabahay para naman sa mga residente ng Taal Volcano Island.

So, yung mga kababayan natin na nasa mismong bulkan yun ang aming priority at panalangin namin na kumbaga ito’y humapa na para yung mga nasa danger zone na hindi naman napinsala yung bahay ay tuluyan ng makabalik,” ani Castro. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -