Mga eskwelahan hinimok na gawing simple ang graduation celebration

0
58

Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga eskwelahan na gawing simple ang mga gaganaping graduation ceremony.

Sa ipinalabas na utos ng DepEd, iginiit ng ahensiya na hindi maaaring pilitin ng mga paaralan ang mga estudyante na magsuot ng toga o formal attire.

Anila, maaaring gamitin ang school uniform sa graduation ceremony.

Samantala, naglaan na rin ang DepEd ng tig P250 na pondo kada estudyante sa mga pampublikong paaralan.

Tinatayang papalo sa mahigit tatlong milyon ang bilang ng mga estudyante sa pampubliko at pribadong paaralan na magtatapos ngayong taon.