Halaga ng pinsala ng El Niño sa pananim triple

0
41

Mas tumaas pa ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng nararanasang El Niño sa bansa.

Sa pagtaya ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo Marso 31, pumapalo na sa P4.35 billion ang nawalang kita ng sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng El Niño.

Triple o nasa 227.06 percent na mas mataas ito sa naunang pagtaya ng DA na 1.3 billion noong nakaraang linggo.

Batay sa pinahuling report ng DA, umaabot na sa mahigit 149 na ektarya ng mga pananim ang kabuuang apektado ng tagtuyot bunsod ng El Niño.

Pinakamalaking apektado ang bahagi Cordillera Administrative Region (CAR), sinundan ng region 5, 2, Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), region 10, 4-b at region 8.

Pinakamatindi pa ring napinsal ng El Niño ang prdouksiyon ng bigas na sinusundan naman ng mga maisan.


Muling pagbuhay sa El Niño task force inirekomenda

Inirekomenda na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Malakanyang ang muling pagbuhay sa El Niño Task Force.

Ayon kay Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang kanyang tanggapan ang siyang mangunguna sa bubuhaying task force na siyang tutugon sa mga posibleng epekto ng El Niño sa bansa.

Sinabi ni Pernia, magiging pangunahing prayoridad ng el Niño Task Force ang matiyak ang seguridad sa suplay ng tubig at pagkain.

Mas mahalaga aniyang pagtuunan ang suplay ng tubig kaysa sa kuryente kasunod na rin ng naranasang water shortage nitong mga nakaraang linggo.

Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ng ahensiya ang memorandum order mula sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa muling pagbuhay ng el Niño Task Force na unang binuo noong 2015 hanggang 2016.