Mga empleyado ng NFA nag protesta kaugnay sa panawagang buwagin ang ahensya

0
68

Nag suot ng pula ang mga empleyado ng NFA o National Food Authority sa kanilang pagdalo sa flag ceremony kaninang umaga.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, ito ay bilang protesta sa mga panawagang buwagin na ang NFA.

Aniya, patuloy ang kanilang gagawing pagsusuot ng pulang damit hangga’t hindi naalis ang banta na buwagin ang ahensya.

Kasabay nito, siniguro ni NFA Administrator Jason Aquino sa mga empleyado ng NFA na nanatili sa kanila ang suporta ng pangulo.