Mga empleyado ng MMDA na positibo sa COVID-19 nasa 9 na

0
8

Nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng mga tauhan ng MMDA na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago siyam na empleyado na nila ngayon ang positibo sa COVID-19.

Sinabi ni Pialago na sarado muna ang tanggapan ng MMDA para sa disinfection na gagawin hanggang asa araw ng linggo.

Subalit tiniyak ni Pilago na tuloy pa rin ang trabaho ng traffic enforcers para pangasiwaan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil mayroong office base ang MMDA para sa traffic enforcers nila.