Mga empleyado ng BI nais ipasailalim sa COVID-19 test

0
20

Nais ng Bureau of Immigrition (BI) na isailalim nito ang kanilang empleyado sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid test sa gitna ng banta ng virus.

Ayon kay BI commissioner Jaime Morente, nangibabaw ang kagustuhang ‘yan makaraang makatanggap ang ahenysa ng donasyon mula China ng 500 sets ng COVID-19 rapid test kits.

Kasunod nito, ayon kay BI Port Operations chief Grifton Medina, tinatayang nasa 400 na Immigration officers ang mga nakakalat sa mga paliparan bilang frontline workers, ngayong nahaharap sa krisis dulot ng COVID-19.