Mga Chinese vessels sa Pag-asa Island dapat nang lumayas — Malakanyang

0
51

Dapat nang lumayas sa lalong madaling panahon ang mga Chinese vessels na nasa Pag-asa Island.

Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng inihain na diplomatic protest ng pamahalaan laban sa China.

Aniya, sa una pa lamang ay hindi dapat nasa Pag-asa Island ang mga barkong ito ng China, dahil kasama ito sa Kalayaan Group of Islands sa West Phil. Sea na okupado ng Pilipinas.

Samantala, sinabi naman ni Chinese Ambassador to the Phil. Zhao Jianhua na pawang mga mangingisda lamang ang sakay ng mga Chinese vessels na nasa isla.