SC makikipag ugnayan sa PDEA kaugnay sa mga hukom na sangkot sa ‘drug watch list’

0
42

Nakahanda nang makipag ugnayan ang Korte Suprema sa PDEA o Phil. Drug Enforcement Agency upang imbestigahan ang pagka-kasangkot ng ilang hukom sa iligal na droga.

Ito ay matapos italaga ng Supreme Court si Associate Justice Diosdado Peralta na pangunahan ang pakikipag-ugnayan ng SC sa PDEA, hinggil sa umano’y 13 hukom na napabilang sa drug watch list.

Ayon kay Brian Keith Hosaka, tagapag salita ng Supreme Court, ang hakbang na ito ay upang bigyang daan ang fact finding investigation ng kataas-taasang hukuman.

Aniya, hindi pahihintulutan ng Supreme Court na mismong ang mga nasa hanay nito ang lumalabag sa batas, at nasasangkot sa transaksiyon ng iligal na droga.

Una rito, matatandaang sinabi ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino na patuloy pa nilang bineberipika ang mga hukom na kabilang sa kanilang drug watchlist.