28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga Chinese nationals, binantaang sisipain sa mga eskwelahan sa Amerika

- Advertisement -

Plano ng Estados Unidos na sipain sa mga eskwelahan ang mga estudyanteng Tsino o Chinese nationals sa kanilang bansa.

Ginawa ni US President Donald Trump ang babala sa harap na rin ng tensiyon sa pagitan ng US at China dahil sa iba’t ibang isyu tulad ng komersiyo, coronavirus pandemic, human rights at kalagayan ng Hong Kong.

Ayon kay Trump, ikinukonsidera niya ang panukalang pagkansela sa visa ng mga estudyante na hinihinalang  konektado sa educational institutions sa China, gayundin sa People’s Liberation Army o Chinese intelligence.

Ipinaliwanag naman ng US government na ang maaapektuhan lamang nito at ng iba pang sanctions ay ang mga estudyante na maaaring may kinalaman sa paniniktik sa Amerika at sangkot sa pagnanakaw ng intellectual property ng kanilang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -