Mga Chinese crew na bumangga sa bangka ng mga Pinoy may haharaping kaso — Malakanyang

0
53

Tiyak na mahaharap sa kasong Reckless imprudence resulting in damage to property.

Ito ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ang maaaring kasong kaharapin ng Chinese crew members na bumangga sa bangka ng mga Pilipino na mangingisda sa Recto Bank.

Maaari aniyang isampa ang kaso sa Mindoro dahil sa teritoryo ng Pilipinas naganap ang insidente bagamat hindi maaaring papuntahin ng bansa ang Chinese crew para sumailalim sa paglilitis.

Sa ilalim kasi ng UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea, kinakailangan na sa China manggaling ang pagsasampa ng kaso at sila ang narapapat na magbigay ng parusa.