Mga biktima ng ‘sex for pass’ hinimok na magdemanda —PNP

0
16

Hinikayat ng Philippine National Police (PNP)  ang mga biktima ng sinasabing ‘sex for pass’ scheme na lumantad at maghain ng reklamo laban sa mga abusadong pulis.

Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, kanyang aatasan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na makipag-ugnayan sa online news agency na Rappler na siyang unang naglabas ng istorya.

Sinabi pa ni Gamboa, maaari ring lumapit ang mga biktima sa women and children protection center ng PNP para maghain ng reklamo.

Tiniyak naman ni Gamboa na kanilang pananatilihing confidential ang pagkakakilalan ng biktima.

Magugunitang, inilabas ng Rappler ang umano’y nangyayaring pang-aabuso ng ilang mga pulis na nakatalaga sa mga quarantine control point sa ilang mga sex wrokers.