Friday, May 3, 2024

Mga basurang itinambak ng Australia sa Pilipinas hahakutin na rin palabas ng bansa

- Advertisement -

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na maibabalik din sa Australia ang mga basurang napaulat na ipinadala at itinambak sa Mindanao Container Terminal sa Misamis Oriental.

Ayon kay Locsin, wala aniya siyang pakialam kung gagamitin ang nasabing basura bilang sangkap sa paggawa ng semento.

Binigyang diin ni Locsin, kung talagang sangkap sa paggawa ng semento ang mga nasabing basura galing Australia, dapat pormal na iniangkat ito ng mga gumagawa ng semento para naidiretso na ito agad sa kanilang planta.

Magugunitang noong nakaraang dalawang linggo lamang ay hinakot na ang mga basurang anim na taon nang nakatambak sa Pilipinas pabalik ng Canada.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img