Mga basura sa Manila Bay puspusan nang hinahakot

0
16

Puspusan ang isinasagawa paglilinis at paghahakot ng basura sa bahagi ng Manila Bay sa Roxas Boulevard.

Sa harap na rin ito ng inaasahang pananalasa ng bagyong Tisoy sa kalakhang Maynila.

Katuwang ng Manila Department of Public Services sa clearing operations ang DPWH at MMDA.

Magpapatuloy anila ito hangga’t wala pang nararamdamang epekto ng bagyo sa lungsod.

Inaasahan naman ng Manila Department of Public Services na dadami pa ang maaanod na basura sa Manila Bay mula sa mga karatig na lugar, oras na tumama at manalasa na an bagyong Tisoy.