Mga barangay captain na nabigyan ng show cause order umabot na sa 100 —DILG

0
20

Umabot na sa 100 barangay kapitan ang pinagpapaliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa di umano’y kabiguan nilang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, karamihan sa mga barangay kapitan na nabigyan ng show cause order ay mula sa National Capital Region.

Samantala, nakapagpaliwanag na anya ang tatlong gobernador at limang mayors na nauna na nilang nabigyan ng show cause orders at nabago na rin ang kanilang executive orders na hindi tugma sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Una rito, sinabi sa DWIZ ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na isa sa mga alkalde na naisyuhan ng show cause order ang kanilang tutuluyang kasuhan.