Radio Philippines Network
Headlines International News National News

Mga bansang kasapi sa ASEAN nagkaisa para labanan ang COVID-19

Nagkaisa ang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na paigtingin pa ang economic integration.

Ito ay para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng mga bansa sa timog silangang Asya sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi lang mas magandang supply chain ang mabubuo kundi mas mapapabilis pa ang pag-recover sa ekonomiya kung kapit bisig at magkakaisa sa pagbangon ang ASEAN countries.

Mayroon na rin aniyang mga tratado ang ASEAN countries para sa mga manggagawa na isa sa mga magiging sandalan ng ekonomiya.

Ipinabatid pa ni Roque na inilunsad na rin ng ASEAN ang ASEAN COVID-19 fund na ang pangunahing layunin ay labanan ang COVID-19.

Nakabuo na rin ng consensus ang ASEAN heads of state na dapat magkaisa sa paghanap o pag-develop ng bakuna para matiyak na hindi lamang mayayamang mga bansa ang makikinabang kundi ang lahat.

Related posts

8 taong giyera sa Syria nagtala ng 370,000 katao nasawi

Powered by DWIZ

Pagpapaliban sa PUV modernization program inihirit

Powered by DWIZ

WALANG PASOK | SETYEMBRE 23, 2019 (LUNES)

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More