Mga bangkay sa QCMC, Lung Center lagpas na sa kapasidad ng mga morgue

0
26

Lagpas na sa kapasidad ng mga morgue ang dami ng bangkay ngayon sa Quirino Memorial Medical Center at sa Lung Center of the Philippines na kapwa nasa Quezon City.

Ayon sa mga doktor, dumarami ang bilang ng namamatay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bukod pa anila rito, nagtatagal din umano ang mga bangkay sa mga ospital dahil sa problema sa mga punerarya.