34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Mga bakery hinikayat na magbukas sa gitna ng ECQ sa Luzon

- Advertisement -

Hinikayat ni Chito Chavez, tagapagsalita ng Panaderong Pilipino, ang mga bakery na magbukas sa gitna ng umiiral enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Chavez, dapat ay magbukas ang mga bakery upang mapagserbisyuhan ang mga mamimili na nais makabili ng tinapay.

Ani Chavez, kung walang suplay ng harina ay dapat gumawa ng paraan ang mga ito upang magkaroon.

Tiniyak ni Chavez na tuloy pa rin sa pagsusuplay ang mga flour manufacturer kaya walang dahilan para matigil ang paggawa ng tinapay.

Kasabay nito, tiniyak din ni Chavez na walang magiging paggalaw sa presyo ng tinapay sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -