Thursday, May 2, 2024

Mga bagong kagamitan ng PNP pinabasbasan

- Advertisement -

Pinabasbasan ang mga bagong biling gamit ng PNP.

Isinagawa sa Camp Crame ang pagbabasbas sa mga gamit tulad ng tactical gears, helmets, sasakyan at mga baril.

Kabilang sa mga bagong biling gamit ng PNP ay: 10,000 units ng striker fired 9mm pistol, 78 units ng squad automatic weapon 5.56 light machine gun, mahigit 600,000 rounds ng bala para sa 9mm, mahigit 3,000 units ng combat helmet, mahigit 2,000 units ng tactical vest level 3 at 95 units ng 4×4 pick up.

Ininspeksyon din ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mga bagong biling police patrol cars at mga armas.

Sinabi ni Albayalde na mahalagang maipagkaloob ang maayos na resources sa mga pulis para matiyak ang pagpapatupad ng safety at security ng mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img