Sunday, May 5, 2024

Mga Babaeng Liga Ng Mga Barangay President At Mga Babaeng SK Federation Sa Camarines Sur, Binigyan Ng Pagkilala 4G Tanggapan Ni Vice Governor Imelda Papin

- Advertisement -

Iriga City – Bilang pagkilala sa kakayahan ng mga kababaihang lider sa mga barangay sa lalawigan ng Camarines Sur ngayong ipinagdiriwang ang “National Women’s Month” binigyan ng pagkilala ng tanggapan ni Vice Governor Imelda Papin ang lahat na mga Liga ng Barangay President at mga SK Federation President na mga babae.

Nasa Sampung mga Liga ng mga Barangay President at Pitong mga SK Federation President ang sabay-sabay na binigyan ng plaque of recognition.

Laking tuwa naman ng mga babaeng lider sa inisyatibo na ito ng vise gobernador ng lalawigan.

Ayun sa impormasyon, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nabigyan ng ganitong pagkilala ang mga babaeng lider sa lalawigan.

Sa darating na Biyernes, lahat naman na mga babaeng Alkalde ang bibigyan ng pagkilala ng tanggapan ni Vice Governor Imelda Papin.

(Source: Provincial Office of Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img