Kasong coup d’état ni Trillanes posibleng desisyunan na ng korte sa Lunes

0
46

Posibleng magpalabas na ng desisyon ang Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 kung aarestuhin o hindi si Senador Antonio Trillanes IV ukol sa kaso nitong kudeta.

Ayon kay Court of Clerk Rhodora Malabag-Peralta, malaki ang posibilidad na sa Lunes na ilabas ni Judge Andres Soriano ang desisyon nito sa magiging kapalaran ng senador.

Sa ngayon kasi ay nasa “last stage” na ng pagsusuri ang hukom hinggil sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na magapalabas ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Trillanes.

Una nang nakapagpiyansa na si Trillanes sa Makati RTC Branch 150 para naman sa kaso nitong rebelyon.