Mga apektadong empleyado sa pagkakasunog ng Star City, hindi pababayaan ng pamunuan

0
11

Siniguro ng pamunuan ng Star City na hindi nila papabayaan ang mga apektadong empleyado dahil sa pagkakasunog ng theme park kahapon.

Ayon kay Star City Spokesperson Ed De Leon, gagawin nila ang lahat upang tiyaking magiging maligaya ang pasko ng kanilang mga empleyado.

Mayroon aniya silang “commitment” at responsibilidad sa kanilang mga empleyado at hindi nila ito papabayaan.

Dagdag pa ni De Leon, ang ilang mga empleyado ang kanilang kukunin sa gagawing pagkukumpuni sa nasunog na bahagi ng Star City.

Samantala, ayon kay National Capital Region Director of bureau of fire protection Rico Kwan Tiu, bubuo ng isang special investigation task force para imbestigahan ang nasabing insidente.