Mga Alkalde sa Metro Manila magpupulong ngayong araw

0
42

Magpupulong ngayong araw ang Metro Manila Council upang talakayin ang magiging kapalaran ng enhanced community quarantine (ECQ) sa lungsod.

Ito’y ayon kay Council Chairman at ParaƱaque City Mayor Edwin Olivarez ay makaraang aminin nito ang kanilang rekumendasyon na palawigin pa hanggang hunyo ang ECQ sa NCR.

Giit ng alkalde, bagama’t may nakikita na silang unti-unting pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, mas nakababahala aniya ang ikalawang bugso ng mga kaso sakaling alisin agad ang ECQ.

Kailangan aniya ng rehiyon ng ibayong panahon upang unti-unting makalipat patungo sa general community quarantine kung saan, mas maluwag ang ipinatutupad na protocols.

Hindi aniya kakayanin ng mga health facilities sa NCR kung biglang lolobong muli ang bilang ng mga COVID-19 patients gayong punong-puno na rin ang mga inilatag na quarantine facilities dito.