Mexico lalahok sa clinical trials sa posibleng COVID-19 vaccine

0
9

Lalahok ang Mexico sa mga gagawing clinical trials ng mga kompanya mula sa United States at China para sa mga posibleng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y makaraang lumagda ang Latin American nation sa Janssen Pharmaceuticals ng Johnson & Johnson, Cansino Biologics at Walvax Biotechnology para sa phase 3 trials na aarangkada sa susunod na buwan.

Sinasabing makakasama ng mga nabanggit na kompanya ang Sanofi na siya namang magsasagawa ng final stage trials.