Meralco may halos P1 bawas-singil sa kuryente ngayong Setyembre

0
12

Halos P1 ang mababawas sa singil sa kuryente ng Meralco ngayong Setyembre.

Nasa P105 ang mababawas sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour (kWh); P158 sa kumokonsumo ng 300 kWh; P210 sa kumokonsumo ng 400 kWh at P263 para sa 500 kWh.

Ito na ang ika-limang sunod na beses na pagbaba ng singil sa kuryente mula noong Mayo.

Sa kabuuan ay nakapagbawas na ng P1.52 kada kilowatt hour ang Meralco.