Wednesday, May 8, 2024

Medialdea sa Iceland RESO

- Advertisement -

Tiniyak ng Malakanyang na hindi matitinag ang kampanya kontra iligal na droga ng Pamahalaan.

Ito ay sa kabila ng pasiya ng UNHRC o United Nations Human Rights Council na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga nangyaring pagpatay sa ilalim ng War on Drugs.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, mahigpit na tinututulan ng pamalaang duterte ang resolusyon ng Iceland na tinanggap ng UNHRC sa kanilang 41st Session sa Geneva noong July 11.

Sinabi ni Medialdea, magpapatuloy ang kampanya kontra iligal na droga, kurapsyon, kriminalidad at terorismo ng pamahalaan.

Wala aniyang resolusyon mula sa kahit anong International Council ang makapagpapahina sa mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaan para protektahan ang buhay, ari-arian at kalayaan ng taumbayan.

Iginiit pa ni Medialdea, itinuturing ng pamahalaan ang nasabing resolusyon bilang mapanirang gawa, panghahamak sa soberenya at pag-abuso sa proseso ng UNHRC

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img