Medialdea itinalaga bilang OIC ng bansa habang nasa SoKor si Duterte

0
17

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer-in-charge (OIC) ng bansa habang nasa South Korea ang pangulo.

Batay sa Special Order No. 1346, inatasan ng pangulo si Medialdea na pangasiwaan ang pang araw-araw na trabaho ng Office of the President pati na ang mga tanggapan na nasa ilalim ng sangay ng ehekutibo mula kahapon, Nobyembre 24, hanggang bukas, Nobyembre 26.

Magkakaroon kasi ng official visit ang pangulo sa Busan, South Korea para dumalo sa 2019 ASEAN-Republic of Korea (ASEAN-ROK) commemorative summit.

Kasunod nito, ipinag utos din ng pangulo sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na makipag-tulungan kay Medialdea para matiyak na magiging maayos ang pagbibigay ng serbisyo para sa publiko.