Naglabas na ng executive order ang pamahalaang panlalawigan ng Davao del Norte para sa pagsisimula ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa probinsya na magsisimula ngayong araw, Hulyo 1.
Ito’y matapos na hindi na magsumite ng apela ang probinsya sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na ilagay sa mas istriktong community quarantine status ang lalawigan kasama ang ibang lugar sa Davao Region noong nakaraang Lunes, Hunyo 28 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa pinirmahang kautusan ni Governor Edwin Jubahib na inilabas noong, Hunyo 30, mas magiging strikto na ang buong probinsya sa mga health protocols na ipapatupad dito.
Dahil dito, limitado na lang sa mga essential na gawain ang paglabas ng mga tao gaya ng paghahanap buhay at pagbili ng pangangailangan gaya ng pagkain at gamot.
Ipagbabawal na rin ang pagbiyahe sa labas ng probinsya kung hindi ito essential or for leisure purposes.
Ipagbabawal din ang pagtitipon-tipon sa mga kabahayan kung hindi man immediate household ang mga taong dadalo.
Hindi rin pinapayagan ang pagkain sa mga pampublikong lugar gaya ng mga plaza at parks at mas maigi na sa tahanan o sa loob ng kanilang personal na sasakyan ito kainin.
(Source: News Fort.ph)
