Saturday, May 18, 2024

Meat products na may swine fever ibinabala – DA

- Advertisement -

Mas hinigpitan pa ang seguridad sa mga paliparan kasunod ng outbreak ng african swine fever sa Hong Kong.

Ito ay upang maiwasan ang posibleng pagpasok ng nasabing virus sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ipatutupad ng Bureau of Animal Industry ang mahigpit na patakaran laban sa pagpasok ng mga meat products mula Hong Kong.

Una na ring nagpatupad ng ban ang Deaprtment of Agriculture (DA) laban sa mga live animals mula Hong Kong.

Multang aabot naman sa P200,000 ang posibleng ipataw sa mga pasaherong magpapasok ng mga meat at agricultural products ng walang kaukulang permiso mula sa mga bansa na apektado ng african swine flu.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -