Mayweather dedma sa mga humihirt sa kanya ng rematch

0
47

Dedma na lamang si US undefeated boxing champion Floyd Mayweather sa mga humihirit sa kanya na magkaroon ng rematch.

Ilan sa mga humihirit ng rematch sa kanya ay sina UFC star Conor Mcgregor at Canelo Alvarez.

Ayon kay Floyd, kuntento na siya sa kanyang mga kinita kahit pa posibleng maging mahigit $1.5 billion fight ang magiging rematch nila ni Canelo.

Kampante rin ang US boxing champ na wala ng tatalo sa kanya.

Samantala, magugunitang taong 2013 nang tinalo ni Mayweather si Canelo at 2017 naman nang talunin din nito si Gregor.

Bukod sa dalawa ay kasama rin si Filipino boxing champ Manny Pacquiao sa naghihintay ng rematch.