Mayor Sara Duterte Binisita At Naghatid Tulong Sa Mga Nasalanta Ng Bagyong Rolly

0
48

Davao City –   Personal na binisita ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang mga lokal na pamahalaan ng Catanduanes at Albay, ang mga Probinsiya na matinding sinalanta ng Super Typhoon “Rolly” nitong linggo.

Unang binisita ni Mayor Inday ang Catanduanes na kung saan ay unang nag landfall ang Super Typhoon “Rolly”. Ayon kay Governor Joseph Cua, mahigit sampung libong bahay ang matinding pinadapa ng bagyong Rolly sa bayan ng Virac.

Sunod namang binisita ni Mayor Inday ang Probinsiya ng Albay na may natala na Sampung tao ang namatay at Tatlo pa ang nawawala at patuloy na hinahanap.

Nakipagpulong din si Mayor Inday kay Governor Al Francis Bichara at AKO-Bikol Partylist Congressman Alfredo Garbin. Nag abot naman ng Financial Assistance si Mayor Inday Sara Duterte bilang tulong ng mga Dabawenyo sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon pa kay Mayor Sara Duterte na ang inabot nitong tulong ay mula sa bahagi ng 30 porsiyento ng Quick Response Fund (QRF) mula sa limang porsiyento ng Disaster Risk Reduction and Management Fund  o Calamity Fund ng Lungsod ng Davao.  (OIC Michael Manguhig, RPN DXKT Davao)

Leave a Reply