30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mayor Ng Isang Bayan Sa Camarines Sur, Binawian Ng Buhay

- Advertisement -

Iriga City – Binawian na ng buhay si dating Mayor Ernesto Bagasbas ng Balatan, Camarines Sur kagabi matapos na itoy maratay sa isang ospital dito sa Iriga City.

Ayon sa kanyang asawa na si Incumbent Mayor Nena Bagasbas kaninang madaling araw ng bawian ng buhay ang kanyang asawa.

Una ng napaulat na ang Ex-Mayor ay may karamdamang Diabetes at nagkaroon na ng mga komplikasyon.

Magiging bukas sa publiko ang burol ni Bagasbas, subalit nagpa-alala ang local na pamahalaan sa pagsunod sa health protocol.

Magugunitang tatlong terminong naging Mayor ng Balatan si Bagasbas hanggang sa ito’y mapalitan ng kanyang asawa na inaasahang tatakbo sa kanyang pangalawang termino.

Ipinanganak si Bagasbas noong Pebrero 26, 1956. (Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

(Source: LGU Balatan, Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -