32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Camarines Sur Nagpapatupad Ng Mahigpit Na Curfew Sa Patuloy Na Paglobo Ng COVID-19

- Advertisement -

Iriga City —Mahigpit ng ipinapatupad ng PNP an curfew sa lalawigan ng Camarines Sur matapos ang pinalabas na kautusan ni Gov. Migz Villafuerte simula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga.

Subalit lininaw ng kautusan na ang mga essential APOR’s at emergency ay exempted sa nasabing curfew katuwang ang mga Barangay Tanod.

Sa kasalukuyan hinde na bababa sa 200 ang nahuli ng mga kapulisan mula sa iba’t-ibang bayan at pinagmulta depende sa umiiral na ordinansa sa kanilang lugar na may kasama pang community service.

Ginawa ng Gobernador ang kautusan upang limitahan ang movement ng mga tao na siyang nagiging dahilan sa paglobo ng mga kaso ng covid-19 sa iba’t-ibang bayan at lungsod.

Sa kasalukuyan ang Lungsod ng Iriga pa rin ang siyang nangunguna sa may maraming mga kaso kasama na ang tatlong bayan sa distrito ng Rinconada matapos na pangalanan bilang high risk areas.

Kahapon lamang nadagdagan na naman ng 39 ang bagong aktibong kaso sa kabuuang 2,449 subalit 562 na lamang ang aktibong kaso matapos na maka-recover ang 1,784 at nadagdagan ng isa ang nasawi na ngayon ay umabot na 104. (Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

(Source: Provincial Office of Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -